BAGUIO CITY – “Good governance beyond politics really work and we have made the traditional politics irrelevant in the city of Baguio,” ito ang naging pahayag ni Mayor Benjamin Magalong, matapos manalo muli sa ikalawang termino bilang Mayor ng Summer Capital, ngayong eleksyon 2022.
Sa ikalawang pagkakataon ay muling natalo si dating Mayor Mauricio Domogan, na matapos ang 31 taon sa politika ay muling kumandidato makaraang matalo siya sa pagka-congressman noong 2019 election.
"I hope na mabago na natin ang mindset ng mga tao, pananaw pa rin ng mga tao is very traditional pa rin ang pananaw nila.I cannot blame them, slowly we were able to change the mindset of the people that there such thing as good governance beyond politics,” pahayag ni Magalong.
Ayon kay Magalong, malaki ang bentahe sa kanilang pangangampanya ang hindi manira sa mga katunggali, sa halip ay mga accomplishment, programa at proyekto para sa hinaharap ang kanilang inihahain sa mga botante.
Ipagpapatuloy niya na pagandahin ang lungsod at paunlarin ang ekonomiya, magkaroon ng maraming trabaho para ang lahat ay umunlad sa kabila ng patuloy na pandemya.
“Panawagan ko sa mga pulitiko at mamamayan na tapos na ang pulitika at harapin natin ang kinabukasan ng siyudad. Election is over,we're done, let’s make move forward. There so much bitterness,there so much hatred, there so much lies fabricated and this time keep togetherness and move on for better Baguio.”
Si Magalong ay nakakuha ng boto na70,342kontra sa mahigpit na katunggali nitong si Mauricio Domogan na 53,020at dating Vice Mayor Edison Bilog na 11,107.
Pormal na iprinoklama ng City Board of Canvassers dakong alas 11:00 ng gabi ng May 9 sa Baguio Convention Center ang tatlong matataas na opisyal na sina Mayor Magalong, re-elected third termer Rep. Marquez Go, na nakakuha ng botong 99,372 votes at re-elected second term Vice Mayor Faustino Olowan na may botong 65,567.
Sa mga city councilors ay sina re-elected Benny Bomogao-71,441; comebacking Joe Molintas-69,868; re-elected Arthur Allad-iw-68,923; Lulu Tabanda- 67,908; comebacking Leandro Yangot- 66,113; re-elected Isabelo Cosalan-65,398; Mylene Yaranon- 62,408; comebacking Elmer Datuin-60,844; Peter Fianza-59,833 ;re-elected Vladimir Cayabas-58,873; Fred Bagbagen-58,300 at Lilia Farinas-58,145.
Sa 168,218 na rehistradong botante sa Baguio City, 139,461 ang aktwal na bumoto o voter turnout na 82.90 percent.