May mensahe ang aktres na si Angel Locsin sa mga kapwa Leni volunteers na naging kabahagi ng pangangampanya para sa Leni-Kiko tandem.

"To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end. Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat… na walang pag-aalinlangan. Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras," ani Angel.

"Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa. Kahit imposible. Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan. Kaya kahit matatapos na ang bilangan. Piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas. Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa. Ipinagdarasal ko na darating din ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo."

"Salamat Mam Leni sa inspirasyon," saad pa ni Angel.

Batay sa latest update sa partial at unofficial na resulta ng mga boto ay lamang na lamang si presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. sa botong higit 30M, habang pumapangalawa naman si Leni na nasa higit 11M naman.