Isang araw bago ang halalan, nagbigay ng mensahe si Popstar Royalty Sarah Geronimo para sa mga botante, sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 8.
Ito ang unang beses na nagpahayag ng kaniyang saloobin si Sarah sa kabuuan ng pangangampanya. Ibinahagi niya ang screengrab ng isang quote na "We the people, elect leaders not to rule but to serve" mula kay Dwight D Eisenhower.
"May God grant us wisdom as we vote for our nation’s future," aniya.
"Sharing this meaningful and insightful preaching with all of you. Link on my bio."
"God bless us all! God bless the Philippines!"
Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang Viva Artists Agency at nilinaw na walang pinapanigan at ineendorsong kandidato o partido sina Sarah at ang mister nitong si Matteo Guidicelli.
Samantala, trending naman sa Twitter si Sarah. Marami sa mga netizen ang tila dismayado umano kay Sarah dahil nabigo silang malaman kung sino ba ang i-eendorso nito. Sayang daw kasi ang kasikatan at impluwensiya nito sa pananahimik, gayong ang mga kapwa Viva artists at biggest stars gaya nina Anne Curtis, Nadine Lustre, at Vice Ganda ay nagsalita at nanindigan.
"Hi Sarah. Your endorsement for our next president will be a huge factor for a better country. I hope you speak out and use your influence. Speak for the oppressed and the marginalized. We need leaders who are proven and tested and who have genuine hearts for the welfare of the Filipino people."
"Pakisabi kay @JustSarahG magaling lang siya kapag kailangan niya ang Popsters sa mga endorsements, movies, concerts. Pagdating sa kapakanan ng bansa tikom ang bibig niya! UNFOLLOW!"
"@JustSarahG ang consistent mo rin no since 2020 ka pa kinakalampag ng mga tao para magsalita at tumindig. 2020 rin nagsimula ang iba na ayawan ka, pero anong feeling na this 2022 sarili mong mga fans na ang tumalikod at bumitiw sa'yo?"
"Sayang Sarah G… sa lahat ng influence mo, sana nagamit mo ang boses mo sa tama. Kaya lang, ano pa nga ba ma-expect namin, ang mister mo ay DDS 'di ba?"
Samantala, may mga nagtanggol naman sa Popstar Royalty.
"How dare you say that! Grabe naman po kayo! Please respect SG’s decision not to endorse anybody. Hindi lang din naman siya ang nanahimik 'di ba? Hindi po si SG ang makakapagpanalo sa Pinklawans. Just so you know!"
"Respect her decisions po kung gusto niya na lang manahimik about politics."
"Isa lang masasabi ko! Hindi nakasalalay sa isang artist ang boto n'yo! Remember may sarili kayong desisyon at alam n'yo sa sarili n'yo 'yan! Leave @JustSarahG alone! Mabuti nang manahimik sa eleksyon na 'to na magulo pa sa mga utak n'yo!"
"O tapos kung iba pala president niya ibabash n'yo? Jusko mga abnormal kayo."
"Igalang natin yung tao. Paano kung iba pala ang napupusuan niya at hindi naman ninyo gusto, ano, cancel culture ang paiiralin?"
Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o komento si Sarah tungkol dito.