Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes sa publiko na sa kabila ng ilang aberya sa Eleksyon 2022, pangunahin na ang pagkakaroon ng aberya ng ilang vote counting machines (VCMs), ay nananatili silang ‘in full control’ sa sitwasyon.

"We’d like to assure everybody that the Comelec is in full control of what is happening right now,” pahayag ni Comelec Commissioner George Garcia sa isang press briefing sa PICC Forum Tent sa Pasay City nitong Lunes ng umaga.

“The election is still ongoing. The voting is still ongoing,” ayon pa kay Garcia.

Kaugnay nito, inilarawannaman ni Garcia na "minor" lamang ang mga naranasang aberya sa VCMs at inasahan na nila ang mga ito.

“We’d like to assure the public that these are anticipated.In fact, the VCMs that malfunctioned such as those unable to read, or had problems with the scanner of the machines all of these were already solved by our operations center, including our repair hubs,” sabi pa nito.

Umabot na rin aniya sa 1,867 VCMs sa buong bansa ang pumalya.

Kabilang sa mga aberyang dinanas ng mga VCMS ay pagkakaroon ng paper jam, pag-reject ng mga balota, problema sa VCM scanner, at ayaw mag-imprentang VCM printer.