Pinuri ni Kapamilya actress Jodi Sta. Maria si presidential candidate at Vice President Leni Robredo dahil umano sa matiyaga nitong pagpila at walang special treatment para makaboto ngayong Mayo 9, 2022.
"Nakakaiyak ang humility niya. Pumila. Naghintay. Walang special treatment," ayon sa tweet ni Jodi.
"Pilipinas, kahit mainit, mahaba ang pila, boboto tayo! Ito ang pinakamahalagang people’s rally natin. Wag uuwi hangga't hindi nakikita ang resibo ng boto n'yo. Ikaw mismo ang maglalagay ng ballot sa VCM," paalala pa ng aktres na tinaguriang 'Silent Superstar'.
Kagaya ng ibang mga Bicolano voters, pumila rin si presidential aspirant VP Leni Robredo bago bumoto sa Carangcang Elementary School sa Magarao, Camarines Sur.
Samantala, iniisyu naman ang senatorial candidate ng UniTeam at dating Presidential Spokesperson ni Pangulong Duterte na si Harry Roque na tumalon daw sa pila para makaboto kaagad.
Kaagad naman niya itong pinabulaanan sa isang tweet.
“Hindi pa po kami bumoboto. Sa mga nagpapakalat po ng balita na kami ay tumalon sa pila sa botohan, fake news po kayo,” ani Roque sa kaniyang tweet nitong Lunes, Mayo 9.
Ayon kay Roque, nagpunta na raw sila kanina polling precinct ngunit dahil mahaba ang pila ay babalik na lamang daw sila.
“Nagpunta po kami kanina pero dahil sa haba ng pila, sabi namin babalik na lang kami,” dagdag pa niya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/09/harry-roque-pinabulaanan-ang-fake-news-na-tumalon-sila-sa-pila/">https://balita.net.ph/2022/05/09/harry-roque-pinabulaanan-ang-fake-news-na-tumalon-sila-sa-pila/