Pinabulaanan ni senatorialaspirant Harry Roque ang umano'y kumakalat na fake news na tumalon sila sa pila sa kanilang polling precinct dahil mahaba ang pila.

"Hindi pa po kami bumoboto. Sa mga nagpapakalat po ng balita na kami ay tumalon sa pila sa botohan, fake news po kayo," ani Roque sa kaniyang tweet nitong Lunes, Mayo 9.

Ayon kay Roque, nagpunta na raw sila kanina polling precinct ngunit dahil mahaba ang pila ay babalik na lamang daw sila.

"Nagpunta po kami kanina pero dahil sa haba ng pila, sabi namin babalik na lang kami," dagdag pa niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

https://twitter.com/attyharryroque/status/1523511161953845249

Si Harry Roque ay tumatakbong senador sa ilalim ng tiket ni Bongbong Marcos.