Sa gitna ng mga ulat kaugnay ng mga pumapalyang vote counting machine (VCM), ang paalala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante, hangga’t maaari ay hintayin na maayos o mapalitan ang VCM upang mabantayan ang sanggradong boto.

Ito’y kaugnay ng maagang hinaing ng mga botante sa araw ng halalan ngayong Lunes kung saan sa pag-uulat ng Commission on Elections (Comelec) ay umabot na sa hindi bababa sa 50 VCMs ay nakaranas ng aberya.

Ang panawagan ng PPCRV ay upang matiyak ng mga botante na sila mismo ang magpi-feed sa kanilang balota at makita mismo na tugma ang lalabas na resibo.

Sa kumpirmasyon ng Comelec, bahagi ng kanilang contingency measure ang ipaubaya ang mga shaded ballots sa Electoral Board (EB) sa oras na pumalya ang VCM.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Basahin: Shaded ballots ng mga botante, ipauubaya sa EB sa oras na pumalya ang VCM – Comelec – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman bantay-sarado ng poll watchers at volunteers mula PPCRV at National Citizens' Movement for Free Elections (NAMFREL) ang contingency measures ng Comelec, ang payo pa rin nito, bantayan hangga’t maari ang sagradong boto.

Sa isang ulat ng GMA News, ang mga sirang VCM at hindi makitang pangalan sa voter’s list ang karaniwang hinaing ng mga botante na idinudulog sa kanilang mga tanggapan.