Taos-pusong pinasalamatan nina Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Manila mayoralty candidate at vice mayor Honey Lacuna ang lahat ng miyembro ng media at sa mga vloggers na sumubaybay at tumulong sa kanilang kampanya.

Ayon kay Domagoso, mahalagang bahagi ng kanyang biyahe bilang presidential candidate ang media at mga vloggers.

Ipinahayag ng alkalde ang kanyang pasasalamat matapos na bumoto sa Magat Salamat Elementary School sa Tondo dakong alas-11:00 ng umaga nitong Lunes.

Ani Domagoso, sa kanyang pagkandidato sa pagkapangulo ay higit niyang napagtanto na maraming mga Pinoy ang nakakaranas ng kahirapan sa mga probinsya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nagulat ako dahil marami pala talaga ang gusto ay ‘peace of mind.’ Sana palarin tayo ng Diyos na matapos ang halalang ito na matahimik, mapayapa at matagumpay,” aniya pa.

“Kung sakaling palarin tayo, bibigyan ko kayo ng kapanatagan, di ko kayo ipapahiya makaka move on tayo nang mabilis,” dagdag pa ni Domagoso.

Binati rin naman ng alkalde ang kanyang mga karibal ng good luck and good health.

Samantala, si Lacuna naman na bumoto sa Legarda Elementary School, ay nagpasalamat din sa media at vloggers sa pagpapakita ng lahat ng mga nagawa nila ni Domagoso sa Maynila sa loob ng tatlong taon nilang tambalan bilang mayor at vice mayor.

Nanawagan din naman si Lacuna ng parehas na halalan makaraang tanungin sa mga ulat na umano’y malawakang vote-buying ng kanyang mga karibal sa Districts 4 and 5.

Habang bumoboto naman ay nakaranas ng problema si Lacuna dahil ini-eject ng vote counting machine (VCM) ang kanyang balota.

Nang ipasok namang muli ang balota ay tinanggap na ito at binilang ang kanyang boto.