Umabot na sa 32.37 porsyento ang mga boto ng mga overseas Filipino voters simula alas-10 ng umaga ng Lunes, Mayo 9, inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Marlon S. Casquejo.

Dahil ngayon ang huling araw para sa mga botante sa ibang bansa na bumoto, sinabi ni Casquejo na ang poll body ay umaasa ng mas mataas na pagboto.

“We are expecting a much higher voting turnout kasi may mga ibang mailed ballot pa na hindi pa naibilang, at continuing pa po ang ating in-person voting,” sabi ng poll commissioner sa naganap na press briefing.

“So we are expecting a higher voting turnout, hopefully, umabot tayo ng (it reaches) 40 percent voting turnout in our overseas voting,” dagdag niya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang pagboto sa ibang bansa ay mula Abril 10 hanggang Araw ng Halalan, Mayo 9, anang Comelec.

Ang mga botante sa ibang bansa ay maaari lamang bumoto para sa mga posisyon ng presidente, bise-presidente, senador, at party-list group.

Jel Santos