Wala pang plano ang Commission on Election (Comelec) na palawigin ang voting hours para sa May 9 national and local elections.
Ito ang inihayag ni Comelec Commissioner George Garcia at sinabing nagdesisyon na ang Comelec en banc na ang voting period ay mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi lamang dahil wala pa silang anumang dahilan na nakikita upang palawigin pa ito.
“Yung extension po ng voting at this point ay negative. Hanggang ngayong oras na ito, the en banc has decided hanggang 7 p.m. ang botohan. Nothing will justify extension of the voting at this point,” ayon kay Garcia.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Garcia na ang mga botante na nasa 30-metro na mula sa polling places pagsapit ng alas-7:00 ng gabi ay papayagan pa ring makaboto.
Una nang hiniling ng election watchdog na Kontra Daya sa Comelec na palawigin pa ang voting hours upang mas maraming botante ang makaboto.