Malaki ang posibilidad na maiproklama ang bagong Pangulo ng bansa bago sumapit ang Hunyo.

Ito ang pahayag nina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco sa isang television interview kasunod ng pagbubukas ng vote consolidation at canvassing system (CCS).,

Nakatakdang isagawa ng Senado at Kamara ang canvassing ng mga boto para sa mga kandidato sa pagka-pangulo at bise presidente.

Ang CCS ay paraan upang makakonekta ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa server ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagbibilang ng mga boto mula sa mga lungsod,probinsyaat abroad.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Paliwanag ng ng mga ito, posibleng matapos nila ang bilangan sa loob ng lima hanggang pitong araw kapag na-convene na ang dalawang kapulungan bilang National Board of Canvassers (NBOC) sa Mayo 24.

”Kung mag-start kami ng 24, 25, 26, the third day is the 26 or the 27th, it looks promising we could be able to proclaim by the 27th or the 28th. That’s the latest. Baka kaya earlier, basta walang magkukuwestiyon-kuwestiyon masyado. Anyway, computerized ito, automated, so we cannot foresee a problem,” sabi ni Sotto.

”You won’t see any more whiteboards, manual tallies. Just a click of the computer and you’ll have LCD screens. It will be flashed there. It will be added automatically,” pahayag naman ni Velasco.

Sa datos ng Commission of Elections (Comelec), mahigit sa 67 milyon ang botanteng rehistrado para sa May 9 national elections.

ReplyForward