Pinuri ni 'real-life Darna' Angel Locsin si presidential candidate at Vice President Leni Robredo dahil sa pagiging mabuting ehemplo umano nito, matapos maispatang nakapila sa botohan.

Pinatunayan ni Angel na hindi lamang ito ngayong halalan kundi maging noon pang mga campaign rally na kanilang nadaluhan, gayundin sa kanilang mga pagboboluntaryo.

"Good example ka talaga Mam," ani Angel.

"Sa lahat ng campaign rallies nila na napuntahan ko, walang VIP passes or area. Backstage pass lang for talents and prod team. Simple lang ang mga tents. Kahit kaming mga artista na sanay sa VVIP treatment, walang nagpa-VIP kasi kung siya nga napaka-simple, nakakahiya namang mas maarte ka pa, pag sa eroplano, economy ang ticket lang rin kami pag nagbo-volunteer mag-ikot."

"Wala rin akong nakitang nag private plane or helicopter na inimbita. This is my observation. Sumunod kami by example, hindi dahil nasabihan. Ang gandang example na pumipila kagaya ng lahat. Sumusunod sa rules. Walang mas nakakataas. Pantay- pantay respeto sa mga pumipila at naiinitan, an appreciation post sa lahat ng pumipila nang maayos at hindi nagpa-VIP."

Nilinaw ni Angel na hindi campaign post ang kaniyang ginawa.

Hindi lamang si Angel ang pumuri kay VP Leni kundi maging si Jodi Sta. Maria.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/09/jodi-pinuri-si-vp-leni-nakakaiyak-ang-humility-niya-pumila-naghintay-walang-special-treatment/">https://balita.net.ph/2022/05/09/jodi-pinuri-si-vp-leni-nakakaiyak-ang-humility-niya-pumila-naghintay-walang-special-treatment/

Kagaya ng ibang mga Bicolano voters, pumila rin si presidential aspirant VP Leni bago bumoto sa Carangcang Elementary School sa Magarao, Camarines Sur.