QUEZON — Labinsiyam na vote-counting machines (VCMs) ang napaulat na nag-malfunction sa iba't ibang presinto sa iba't ibang bayan ng lalawigan ilang oras matapos ang pagsisimula ng 2022 national at local elections nitong Lunes.

Nakuha ng Manila Bulletin sa operation center ng Quezon Police Provincial Office ang listahan ng mga presinto na nag-ulat ng mga aberyang VCM.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod.

Brgy 5, Lucena City – Maryhill School (cluster 6); Brgy. Ilayang Dupay, Lucena City – Elementary School;

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Brgy. Cotta sa South 1 Elementary School Lucena City – (Precint 63); Brgy. 7 sa East 2 Elementary School Lucena City – (Cluster 20);

Brgy. 4 sa Sto Rosario Elementary School Lucena City – (cluster 9); Brgy. Huinguinwin Huiguiwin Elementary School, Padre Burgos (Precint 125); Brgy. Huiguiwin Elementary School, Padre Burgos;

Brgy. Anos sa Anos Elementary School, Macalelon, Quezon (Precint no. 0020A, 0021A, 0021P); Brgy. Huyon–huyon sa Sitio Pantay Elementary School, San Francisco, Quezon (Precint 31); Brgy. Sisi sa Sisi Elementary School, Guinayangan Quezon (Precint 0086); Brgy. Carlagan sa Carlagan Elementary School, Burdeos, Quezon (Precint 21);

Brgy. Sampaloc sa Sampaloc Elementary School, Sariaya Quezon (Precint 118); Brgy. Janagdong at Janagdong 1 Elementary School, Sariaya, Quezon (Precint 127);Brgy. Kilogan, sa Kilogan Elementary School, Patnanungan, Quezon (Precint 0017A-0017B. 0018A); Brgy. Ipilan at Ipilan Alitao Elementary School, Tayabas City (Precint 95A, 95B, 96A, 96B, 96C);

Brgy. Angeles zone 1 sa Tayabas east Elementary School (Cluster 86); Brgy. Dapdap, Dapdap Elementary School, Tayabas City (Precint 1); Cabulihan Elementary School, Pitogo, Quezon (Prinsito 7), at Brgy. Tala sa Tala Elementary School, San Andres Quezon (Precint no. 25).

Samantala, si incumbent governor at re-electionist Gov. Danilo Suarez at Quezon third district re-electionist Rep. Aleta Suarez ay bumoto sa Unisan Central School sa Unisan, Quezon.

Mayroong 1,127 polling precincts sa loob ng lalawigan gaya ng iniulat ng QPPO.

Bumoto si Senatoriable at retired PNP chief Guillermo Eleazar sa Tagkawayan Cenrtal Elementary School sa bayan ng Tagkawayan.

Danny Estacio