Labis-labis ang pasasalamat ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao sa lahat ng mga taong tumulong at sumuporta sa kaniya, mula sa unang araw ng pangangampanya hanggang sa miting de avance, na naganap nitong Mayo 7, 2022 sa General Santos Oval Plaza.

Pinasalamatan ni Pacquiao ang lahat ng mga dumalo sa kaniyang dalawang miting de avance sa Cebu at General Santos City, lalo na sa mga hindi siya iniwan mula sa pagsisimula ng kampanya.

"This campaign period has strengthened my love more for our country and my compassion for our people. I am forever grateful to our Almighty God for the immense opportunity to be His servant," madamdaming pahayag ng senador sa kaniyang Facebook post nitong Mayo 7.

"I am blessed with a very supportive wife, my Babe Jinkee, and our wonderful kids who fully embraced with me the challenge of rising up to God's call for public service. You are the wind beneath my wings!"

"To my entire Campaign Team, all our volunteers and supporters, daghang salamat! You have made our nationwide campaign worthwhile. Your labor is not in vain. I am proud of you, Team Pacquiao!"

"To our Media Friends, thank you for covering all our campaign events and efforts. Tinulungan nyo po kaming maiparating sa ating mga kababayan ang aking plataporma. Maraming salamat sa inyong tulong!"

"Mga kababayan, kayo po ang dahilan ng aking pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nais kong bigyan ng boses ang mga inaapi at napag-iwanan sa ating lipunan. Huwag po tayong mawalan ng pag-asa! Kung tayo ay magsama-sama, siguradong Panalo ang Mahirap, Panalo ang Pilipino!"

Pinasalamatan din ni Pacquiao ang mga nanood online.

"Lubos ang aking pasasalamat sa inyong walang sawang suporta, sa mga pumunta sa ating Miting de Avance, maging sa mga nanonood online."

"Hanggang dulo lalaban tayo, rebolusyon natin ito para sa mga mahihirap! Sama-sama nating ipanalo ang tunay na magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino."

Ibinahagi rin ng presidential aspirant ang ginawang kanta para sa kaniya ng anak na si Michael Pacquiao.

"Narito po ang nilikha ng aking anak na si Michael Pacquiao, awitin na naglalahad ng laman ng aking puso at isipan, para sa Diyos at sa Bayan."

"Maraming salamat anak sa pag-alay mo ng kantang tadhana para sa akin. Thank you for being supportive, son. I’m proud of you!"