Isa sa mga nagbigay ng kaniyang talumpati para sa miting de avance ng Leni-Kiko tandem si Megastar Sharon Cuneta, na ginanap sa Makati City nitong Mayo 7 ng gabi.
"Anoman ang resulta sa darating na May 9, we all have already made history because you are all here tonight!" panimula ng Megastar.
Nagpasintabi ang Megastar na hayaan siyang magbigay ng ilang personal na mensahe.
"I said it's painful, can I just say very personal words? This is for Bongbong… maybe we don't have to agree or like what you've done or what you have not done, for me to always remember your kindness towards me when I was growing up… I wish you and Liza and your beautiful boys God's blessings… and we all come together once this is over and just be Filipinos," ani Mega.
May mensahe rin siya kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na katunggali ng kaniyang mister na si Senador Kiko Pangilinan.
"Inday… nagkakaintindihan tayo. Kahit wala na si Tatay (Pangulong Rodrigo Duterte) sa aking buhay ay never kang nawala. Alam ko, kasi hindi ka lang Sharonian, pero mahal kita. Kaya lang, ang bise presidente ko talaga ay si Kiko," natawang sabi ni Megastar at naghiyawan naman ang mga tao.
At syempre, para sa tumayong pangalawang ama sa kaniya, si Senate President Tito Sotto III, at sa tiyahin niya at misis nitong si Helen Gamboa. Naging emosyunal si Shawie sa puntong ito.
"Mostly, to my second father, Senate President Tito Sotto… Daddy, thank you for embracing me when I saw you… thank you for saying 'I love you' back… I love you very much dad, but… I hope it doesn't divide our family."
"Mama Helen, the only peace I found in my heart is that, you would have done the exact same thing for dad, if you had been in my shoes. After all, you raised me also and I am so much like you… co'z I'm your eldest. I love you very much and I miss you."
Hindi rin niya nakalimutang bigyan ng 'I love you' ang kaniyang 'sisters' o mga pinsan niya.
Matatandaang nauna nang sinabi ni Mega sa isa sa mga sortie ng Leni-Kiko tandem na matagal na silang magkakilala ni BBM at matagal na rin silang magkaibigan ni Inday Sara. Para nga raw magkapatid ang turingan nila sa isa't isa.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/bbm-sara-matagal-nang-kakilala-kaibigan-ni-sharon-pero-leni-kiko-pa-rin-daw-ang-dapat-iboto/">https://balita.net.ph/2022/05/03/bbm-sara-matagal-nang-kakilala-kaibigan-ni-sharon-pero-leni-kiko-pa-rin-daw-ang-dapat-iboto/
Inamin din ni Sharon na nadismaya siya sa mga naging pahayag noon ni Pangulong Duterte, lalo na sa sinabi nito tungkol sa Diyos.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/sharon-sister-si-sara-tatay-ang-turing-kay-prrd-pero-nadismaya-sa-isang-pahayag-nito-noon/">https://balita.net.ph/2022/05/03/sharon-sister-si-sara-tatay-ang-turing-kay-prrd-pero-nadismaya-sa-isang-pahayag-nito-noon/
Sa isang panayam ng radio station sa Zamboanga, sinabi rin ng Megastar na ito ang 'toughest election' na kaniyang naranasan.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/04/sharon-muling-inawit-ang-hit-song-na-mr-dj-inaming-toughest-ang-parating-na-halalan/">https://balita.net.ph/2022/05/04/sharon-muling-inawit-ang-hit-song-na-mr-dj-inaming-toughest-ang-parating-na-halalan/">https://balita.net.ph/2022/05/04/sharon-muling-inawit-ang-hit-song-na-mr-dj-inaming-toughest-ang-parating-na-halalan/