Pinaiimbestigahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at ng mga kasapi ng Makabayan bloc sa Commission on Elections (Comelec) ang isang pekeng resolusyon at press release na nagsasabing diniskuwalipikasi senatorial aspirant Neri Colmenares at ang mga kandidato ng kanilang party-lists, na tumakbo sa eleksyon.
Hiniling ng Makabayan bloc sa Comelec na siyasatin ito upang linawin sa publiko na hindi dinidiskuwalipika si Zarate at ang mga kandidato ng party-list.
Nauna nang pinabulaanan ng Comelec na diniskuwalipika nila si Colmenares at ang mga party-lists, tulad ng ACT Teachers, Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela at Kabataan.
Nilinaw ng Makabayan bloc na ang kasong diskuwalipikasyon laban sa kanila ay dinismiss na noong 2020, at sinabi ng party-list lawmakers na ito ay inihain ng isang "fictitious petitioner" na kailanman ay hindi humarap sa mga pagdinig ng Comelec.
Naghihinala si Zarate na ang nasa likod ng pekeng resolusyon ay ang National Task Force to End Communist Armed Conflict, na laging umano'y nangre-red-tag sa mga party-lists bilang "communist fronts" kahit itinatanggi nila ang ganitong alegasyon.
"We challenge the Comelec to look into this," ani Zarate. "The propaganda undermines not only the conduct of the party-list process but the elections."