Hinimok ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa na huwag maghintay ng huling minuto bago bumoto.

Pinaalalahanan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Brigido Dulay ang mga Pilipinong nagtatrabaho at nakabase sa ibang bansa na ingatan ang deadline ng overseas absentee voting (OAV) na magtatapos sa Lunes, Mayo 9.

“To our OFWs (overseas Filipino workers) & OFs (overseas Filipinos) voting abroad via postal or personal voting, please be mindful of the voting deadline at your PH Embassy or Consulate on May 9th,” ani Dulay sa isang tweet, Sabado ng gabi.

“All our Posts have their own voting hours in sync with PH on the last day of voting. Don’t wait till the last minute!” dagdag niya.

National

Dahil sa bagyong Nika: Catanduanes, itinaas sa Signal #1

https://twitter.com/dododulay/status/1522952234740244480?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1522952234740244480%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fmb.com.ph%2F2022%2F05%2F08%2Fdfa-to-overseas-filipino-voters-dont-wait-till-the-last-minute%2F

Isang araw na lang bago matapos ang OAV, inutusan ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. si Dulay na tingnan ang mga kumakalat na pahayag sa social media na hindi gumagana ang mga vote-counting machine sa United Arab Emirates (UAE).

“(Undersecretary Dulay) you’re there physically; check on this; this is a shame—IF TRUE—but there are many liars on all sides of social media. It is May. People die in the heat here, what more there where we celebrate June 12 in February or die from heatstroke on Independence Day,” ani Locsin.

https://twitter.com/teddyboylocsin/status/1523208618333843456?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1523208618333843456%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fmb.com.ph%2F2022%2F05%2F08%2Fdfa-to-overseas-filipino-voters-dont-wait-till-the-last-minute%2F

Ayon sa isang post sa Twitter, na ni-retweet ni Locsin, lahat ng 10 vote-counting machine sa isang post sa UAE ay "hindi ginagamit." Idinagdag nito na nagresulta ito sa mahabang pila ng mga Pilipino at “marami ang nawalan ng malay simula kahapon dahil sa init.”

Nagsimula ang overseas absentee voting noong Abril 10. Ito ay tumatakbo ng isang buwan hanggang Mayo 9.

Betheena Unite