Dalawang araw bago ang halalan, isa ang tinaguriang 'Majasty' 'Dancing Queen' na si Dabarkads Maja Salvador sa mga celebrity na nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, batay sa kaniyang Instagram post noong Mayo 7.
Ginamit pa niya ang pamosong linya mula sa kaniyang hit teleseryeng 'Wildflower' sa ABS-CBN kung saan nakilala ang kaniyang karakter bilang si Lily Cruz/Ivy Aguas.
"Black is Out, PINK IS IN!!!" saad niya.
"Ang boto niyo po ay sa inyo, At ang boto ko po ay sa akin ๐ธ."
"Kay Leni Robredo po ang boto ko! Ipanalo na natin Ito! ๐ธ๐๐ท."
"Dati pa man alam ng mga tao sa paligid ko at nagka video call kami ni VP Leni @bise_leni last December. ๐ธ."
"Praying for a peaceful and honest elections," aniya pa.
Marami naman sa mga celebrity friends niya ang nagkomento rito, lalo na ang 'real-life Darna' at isa sa mga kapwa Kakampink na si Angel Locsin, na nakasama niya sa teleseryeng 'The Legal Wife'.
"Ay pwede ko ng ipost lol," saad ni Angel.
Ang tinutukoy ni Angel ay meme sa kanila ng mga netizen, nang gampanan nila ang mga role na 'Monica' at 'Nicole' sa naturang teleserye.
Samantala, kung si VP Leni naman ang manok ni Maja, ang kaniyang bise presidente naman ay si Senate President Tito Sotto III, kasama ng iba pang mga Dabarkads sa 'Eat Bulaga', at ang kaibigang komedyanteng si Kakai Bautista.
Makikita sa Instagram stories ni Maja ang pagdalo niya sa naganap na miting de avance at huling campaign rally nitong Mayo 7 ng gabi.
Makikita ang litrato nila ni Titosen kasama ang komedyante ang kaibigang si Kakai Bautista.
May litrato rin sina Maja at misis ni Senate President na si Helen Gamboa.
Sa Facebook page ni Senator Tito ay nagpasalamat siya kay Maja.
"Thank you Maja Salvador for your support! God bless you always," pasasalamat ni Tito.
Si Senate President Tito Sotto III ang running mate ni presidential candidate at Senador Panfilo 'Ping' Lacson. Ang running mate naman ni VP Leni ay si Senador Kiko Pangilinan.