Ngayong araw ipinagdiriwang ang Araw ng mga Ina, kaugnay nito, may mensahe ang kontrobersyal na social media personality na si Jam Magno kay vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.

"Happy Mother's Day to us!" panimula ni Magno sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Mayo 8.

"To the Mother of the Nation that we all deserve. Someone strong, smart, capable, beautiful and an example of empowerment without trying too hard," mensahe ni Magno kay Duterte.

"I will also have a barong made. A terno and a few more outfits to honor you and Apo BBM and all of the people I support. The BEST Vice President of the Philippines," dagdag pa niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Kilala si Jam Magno bilang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayon ay sinusuportahan din niya ang anak nitong si Sara Duterte na tumatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan din ay naging matunog muli ang kaniyang pangalan dahil pinatulan ng ilang mga netizens ang pahayag ng pekeng Twitter account na nakapangalan sa kaniya. Ayon sa tweet, hinahamon nito ng one-on-one debate si Vice President Leni Robredo. 

Gayunman, pinabulaanan na ni Magno sa isang video na ipinost niya sa kanyang Facebook na hindi na bago ang mga kumakalat na pekeng Twitter account niya.

“Sa totoo lang po, yung fake Twitter account ay hindi na po bago. The fact na you make me trend kahit hindi ko Twitter account, hindi ko na talaga alam kung ano sasabihin ko sa inyo,” saad ni Magno.

“In fact sa paggawa-gawa niyo po at sa paniniwala niyo sa fake Twitter account na hindi po sakin, hindi rin po yan ikapapanalo ng nanay niyo na tanga,” patutsada niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/30/ilang-netizens-pinatulan-ang-pahayag-ng-fake-twitter-account-ni-jam-magno/