Taos-pusong nagpasalamat si Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng mga taga-Tondo na nagbigay-daan sa kanyang 23-taong karera bilang public servant.

Ang pasasalamat ni Domagoso ay ginawa sa kanyang miting de avance sa Moriones, Tondo nitong Sabado ng gabi, na tulad ng dat ay dinumog ng napakarami niyang taga-suporta.

Kasama rin ng alkalde sa naturang miting de avance ang kanyang runningmate na si Willie Ong, Manila mayoral candidate Honey Lacuna, vice mayoral candidate Yul Servo at first district Congressman Ernix Dionisio, at iba pa.

Binalikan rin naman ni Domagoso ang alaala kung saan isa siyang mahirap na batang lansangan hanggang sa panliligaw niya sa mga botante para makakuha ng boto bilang konsehal ng unang distrito ng Tondo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ikinwento rin niya kung paano sila lumipat ng bahay ng anim na beses dahil di sila nakakabayad ng upa at kung paano niya tinulungan ang kanyang ina na isang labandera sa pamamagitan ng pagbabasura.

Pinasalamatan ni Domagoso ang kanyang elementary school teacher na kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon, pati na rin ang kanyang mga kababata at kapitbahay na nagbibigay sa kanya ng pagkain kung siya ay nagugutom.

Ayon kay Domagoso, ang boto sa kanya ay boto para sa kinabukasan ng mga bata, free education, housing, pagkain at iba pa.

Muli rin siyang nanawagan sa taumbayan na wakasan na ang 35-taong bangayan ng mga dilawan at pulahan.

“Kung gusto ninyo ng peace of mind narito po ako. Tuldukan na natin ang awayang pula at dilaw. Tao naman," aniya pa