Sa isang bahagi ng pagsasalita ni Sharon Cuneta sa miting de avance ng Robredo-Pangilinan tandem noong Sabado, makikitang tinanggap nito ang ilang Kpop merchandise mula sa audience. Dahil naman sa isang tweet, inakala ng ilan na may pilit na dinekwat ang aktres.
Dagdag na dahilan ng pagkalito ng netizens ang unang naging tweet ng Kpop fan na kung babasahin sa unang beses ay tila makukumpirma ngang “kinuha” ito ni Mega.
“Put*** ina kinuha ni Ate Shawi yung Red Velvet light stick ko!!! [crying emoji],” mababasa sa tweet ng Twitter account na si @_renceseason.
Kilala ang kampanya ng Robredo-Pangilinan sa mga kabataang aktibong nakiisa kabilang ang mga fans ng iba’t ibang Kpop groups.
Tatlong oras matapos ang tweet, nilinaw ng Kpop fan na kusang loob at hindi pilit na kinuha ni Megastar ang kanyang light stick.
“Mga bhe kalma, walang ninakaw sh***** ina kayo hahhahahaha” mababasa sa sariling reply ng Kpop fan sa naunang tweet.
“Good morning po besteas! Again, nadala po ako ng emotion and excitement nung nagtweet ako. Kusang loob ko po binigay yung mandubong kay Ate Shawie. Wag nyo po ako awayin sh*ta kayo,” anang Kpop fan sabay pin ng isang Tiktok video para muling linawin ang tweet.
Kilala si Mega sa kanyang pagbanggit ng mga Kpop artists sa kabi-kabilang rally na sinampahan kagaya ng sa huling miting de avance.
Masugid na fan ng Kpop artists ang beteranang actress-singer at sa katunaya’y pamilyar ito sa iba’t ibang South Korean pop groups kabilang ang kanyang self-proclaimed bias, ang grupong Shinee.