Sa isang sulat ipinarating ng bilanggong reelectionist na si Sen. Leila De Lima ang kanyang mensahe para sa nakaratay na ina ngayong Mother’s Day.

“Today, Mother's Day, I think of my dear Mom. Struggling with a failing health. Surviving by God's grace and mercy. Fighting and hoping. Waiting for me,” mababasa sa sulat ng mambabatas.

“Malapit na, Mommy. Malapit na tayong magkasama muli,” dagdag nito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Matatandaang hiniling ni De Lima sa korte ng Muntinlupa na agad na ibasura ang isa sa dalawang natitirang drug case na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice (DOJ) matapos ibunyag ng key witness na si Rafael Ragos, dating Bureau of Corrections officer-in-charge, na walang katotohanan ang kanyang mga affidavit at testimonya laban sa mambabatas.

Naghain si De Lima noong Mayo 6 ng manifestation at omnibus motion para sa “outright dismissal; agarang pagpapalaya; at/o piyansa ad cautelam” sa harap ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204.

Basahin: De Lima, hiniling sa korte na ibasura ang kanyang drug case kasunod ng rebelasyon ni Ragos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Mahigit limang taon nang nakabilanggo ang mambabatas dahil sa umano’y gawa-gawang kaso laban sa kanya.

“Mahigit 5 taon na akong ipinakulong at naghihintay sa pagkakataong ito. Mahigit 5 taon ng inhustisya. Sa kabila nito, nagpapasalamat ako sa lalong pagtibay at paglabas ng katotohanan na ako ay inosente, at kung sino ang mga nagsabwatan para ako’y siraan, gipitin at patahimikin,” pahayag nito noong bawiin ng state witness na si Ragos ang pahayag laban sa kanya.

Basahin: Kahit 5 taon na sa kulungan: ‘Lumalabas na rin ang katotohanan’ — De Lima – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid