Sa kabila ng mga pagsubok ng Pamilya Maguad, patuloy pa rin lumalaban ang mag-asawa na sina Cruz Maguad, Jr. at Lovella Maguad para makamit ang inaasam nilang hustisya para sa kanilang pinaslang na mga anak. Ngayong Araw ng mga Ina, may mensahe si Cruz sa kaniyang mahal na asawa.

"The strongest woman and the bravest mother I've ever known... no wonder why Ate Gwynn and Boyboy [are] very proud of and very lucky enough to have you as their mother," saad ni Cruz sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Mayo 8.

"I know Ate Gwynn and Boyboy in heaven are very happy looking at you today as you celebrate this MOTHER'S day. Hon, I love you and care for you very much...HAPPY MOTHER'S day honey. GOD bless you always," dagdag pa niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Screenshot ng Facebook post ni Cruz Maguad

Ito ang unang Mother's Day ni Lovella Maguad na wala ang kaniyang mga anak. Matatandaan na pinatay sa loob ng kanilang bahay ang dalawa nitong anak noong Disyembre 2021.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/

Kamakailan din ay naglabas ng hinaing ang mag-asawa dahil hindi nila makakamit ang maximum justice para sa kanilang dalawang anak.

"And I realized it’s not maximum justice for my kids, it’s not maximum penalty to the criminals is what I need, but all I need is to be with my kids. I really missed you and love you so much mga anak,” ani Cruz.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/26/cruz-maguad-and-i-realized-its-not-maximum-justice-for-my-kids-but-all-i-need-is-to-be-with-them/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/26/cruz-maguad-and-i-realized-its-not-maximum-justice-for-my-kids-but-all-i-need-is-to-be-with-them/

“I didn’t post anything after that because I was totally DEVASTATED, DISTURBED and TORTURED upon knowing that we’re not getting the maximum justice because she’s a minor,” ani Lovella.

“‘Yan po ang juvenile law maliban sa walang provision sa mga victims who are also minors tatawaran pa ang justice ng 1 to 2 degree lower. Kasi bata daw… BATA po ba ang tawag nyo sa isang taong magaling magplano, pursigidong i-execute ang kanyang planong masama o pagpatay at magaling mag dramatize ng krimen na kanyang ginawa?” paglalahad pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/07/pinatay-na-maguad-siblings-hindi-makakamit-ang-sapat-na-hustisya-suspek-hindi-nagpakita-ng-pagsisisi/