Ibinahagi ng dating batikang ABS-CBN broadcaster na si Ces Oreña-Drilon ang kaniyang pagtindig para kina presidential aspirant Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate Senador Kiko Pangilinan.

"Sa kauna-unahang pagkakataon isasapubliko ko ang aking boto para sa mga apo kong isisilang pa at sa mga darating na henerasyon," ani Drilon sa kaniyang tweet nitong Linggo, Mayo 8-- isang araw matapos ang huling kampanya ng mga kandidato.

"Nais ko silang mabuhay sa isang lipunang pinangangalagahan ang karapatang pantao, katarungan, integridad at respeto sa isa’t isa," dagdag pa niya.

"Ako'y para kay Leni-Kiko."

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

https://twitter.com/cesdrilon/status/1523097520359936000

Ang kaniyang tweet ay umani ng mga positibong reaksyon mula sa kapwa niyang kakampinks.

Matatandaan na isa si Drilon sa mga kritiko ni presidential candidate Bongbong Marcos.

Noong nakaraang taon, ipinagdiinan niya ang panawagan ng taumbayan na aminin at i-acknowledge Marcos na malaki ang kasalanan ng kaniyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa mga Pilipino.

“We aren’t asking BBM to pay for the sins of his father but to acknowledge them!” ayon sa tweet ni Drilong noong Oktubre 19, 2021.

“For how can you run on a platform pretending FM was the greatest president this country ever had when up to now my sons & your children are paying the interest on his behest loans to cronies!”

Basahin:https://balita.net.ph/2021/10/20/ces-drilon-we-arent-asking-bbm-to-pay-for-the-sins-of-his-father-but-to-acknowledge-them/