Ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang ginawa umano ng mga napadaang BBM-Sara supporters na nagsasagawa ng motorcade nang mapadaan sila sa tapat ng kanilang bahay.
Ayon sa Instagram story ni Carla nitong Mayo 7, kakauwi pa lamang niya sa bahay mula sa taping nang maistorbo siya sa nilikhang ingay ng dumaang motorcade. Nang silipin daw niya, napag-alamang motorcade ito ng tambalang BBM-Sara at ilang local officials na humahabol sa huling kampanya.
"Yung kakauwi mo pa lang galing taping at 3 hours ka pa lang tulog mula 8:30am hanggang 11:30am tapos biglang may motorcade sa labas ng Marcos-Duterte and other local city officials," saad ni Carla.
"Sa sobrang lakas ng music nagising ka tapos pagsilip sa labas nakita mong naka-thumbs down yung mga taong sakay ng convoy pagdaan sa gate mo."
Nagtaka pa raw siya noong una kung bakit nagta-thumbs down ang mga tao sa tapat ng bahay nila. Hanggang sa napagtanto niya kung bakit.
"Kasi puros LENI-KIKO magnets nga pala ang nakadikit sa gate ko, ahehehehe."
"Natawa na lang ako at nakangiti akong humiga ulit," aniya.
"Pahabol pa niya, "'Yun lang! Good night ulit! Tapos work work work ulit mamaya."
Matatandaang sinabi ni Carla na naging biktima umano ng administrasyong Marcos ang kaniyang lolo noong panahon ng batas Militar, dahil sa usapin ng hektaryang lupain.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/02/carla-abellana-may-isiniwalat-lolo-biktima-ng-mga-marcos-dahil-sa-hektaryang-lupain/">https://balita.net.ph/2022/05/02/carla-abellana-may-isiniwalat-lolo-biktima-ng-mga-marcos-dahil-sa-hektaryang-lupain/
"Our Grandfather was detained because the Marcoses wanted our 25-hectare property in Sta. Ana all to themselves," ani Carla.