Habang papauwi mula sa ginanap na UniTeam miting de avance sa Parañaque City nitong Mayo 7 si BBM-Sara supporter Arnell Ignacio ay may naraanan umano siyang ilang kabataang Kakampink naman, na hirap na hirap humanap ng masasakyan matapos ang miting de avance naman ng Leni-Kiko tandem sa Makati City.

Sa halip na dedmahin ay inalok at nagmagandang-loob si Arnell na pasakayin ang naturang kabataan na na-stranded sa kalye. Sa Facebook Live ng TV host, tinawag nila ang mga sarili na "Nakisakay kay Arnell Ignacio for Leni-Kiko!".

"Kasi, kanina ko pa napapansin na walang masasakyan yung mga kasama natin na Pink!

Sabi naman ng isang lalaki, "Sa mga BBM supporter, ingat kayo. Ingat kayo (sa pag-uwi)."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"O, di ba, ang ganda naming tingnan? This is the way to do it."

“Kapag Pink pala, puro bagets. Tingnan n'yo ang mga kasakay ko. Lahat sila, naka-pink, ako lang ang nakapula,” sey pa ni Arnell.

Sabi ng isang Kakampink na isinabay ni Arnell, “Winelcome niya po kami."

"Eh kasi nakita ko wala talaga silang masasakyan, makikita sa mukha di ba? Mukhang panic. Parang mga anak ko na ito, eh. Nakita ko yung mga mukha, parang nagpa-panic."

"Kanina naman, nakita ko ale kaya lang baka matakot sa akin, bakit ko siya isinasakay? As if naman, may balak ako sa kaniya,” pabirong sabi ni Arnell.

Good vibes lamang ang nangibabaw sa naturang video na ibinahagi naman ni Arnell sa kaniyang TikTok account.