Tahasang inendorso ni vice presidential candidate Rizalito David,running mate ni presidential aspirant Jose Montemayor Jr.,sina Vice President Leni Robredo at Senate President Vicente Sotto III.

Ipinahayag ni David ang kaniyang suporta kay Robredo sa Comelec-KBP PiliPinas Forum 2022 na umere nitong Biyernes, Mayo 6.

Para kay David, si Robredo lamang ang daan para pigilan na manalo ang isa pang Marcos sa Pilipinas.

"Ang aking layunin ngayon ay sana 'wag manalo si Bongbong Marcos at Sara Duterte. Kaya kung si Leni Robredo ang maaaring makatalo sa kanila, o sa kaniya, kay Bongbong Marcos, siya po ang ating tulungan. 'Yon po yung aking personal na pagtingin sa bagay na ito," saad ni David.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Kaya po, tahasan ko na pong ini-endorso, with respect to my ka-tandem na si Dr. Jose Montemayor Jr., na si Leni Robredo po ang ating tulungan upang baka sakali naman ay talunin niya si Bongbong Marcos," dagdag pa niya.

Sinabi rin ng vice presidential candidate na "clear at present danger" sa Pilipinas ang tandem nina Marcos at Duterte.

"Dahil sa akin ang pagtingin ko kina Bongbong Marcos at Sara Duterte parang pag-uulit lang ng nangyayari noong nakaraan. To me, parang ano 'to clear and present danger to this country," saad niya.

"So diretso ko na po ine-endorso, tulungan po natin si Leni Robredo at si Senator Sotto sa para sa ikalawang pangulo," dagdag nito.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni David na sinusuportahan niya ang vice presidential bid ni Sotto.

Aniya, malaki ang naiambag ng senate president sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng pagtutol sa pagpasa ng mga batas na nagpapahintulot sa same-sex marriage, divorce, at abortion.

‘’To me, that is the most important kasi he loves life. He is pro-life. He listens to his family. He listens to his wife. Gentleman. Family man,’’ ani David sa kaniyang panayam sa CNN Philippines.

"Sa akin, kumbaga sa grupo namin na tumatakbo ngayon, siya ang may pinakamagandang record na data tulungan," dagdag pa niya.