Viral ngayon ang isang Facebook live video ng isang netizen kung saan makikitang nakabara ang ilang bus na walang lamang pasahero sa Estrella-Pantaleon bridge dahilan para mahirapang makatawid ang mga motorista papuntang Makati.

Ayon sa netizen na si Ann Angala, tinatayang higit 60 na mga bus ang humarang sa naturang tulay na mas kilala bilang Rockwell bridge.

Dagdag nito, makikita umano sa mga bus na delagasyon ito ng Mandaluyong para sa miting de avance ng UniTeam nina Bongbong Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara sa Paranaque.

Maaalala namang sa Ayala Avenue sa Makati gaganapin ang huling hataw ng kampanya nina Vice President Leni Robredo at tandem nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

“Hinarang na nila yung bridge..Walang pasahero ‘yan ha, to Makati, nandito kami sa Mandaluyong. Walang laman, hinarang lang,”maririnig si Angala habang tumatakbo ang Facebook live, umaga ng Sabado.

Ayon naman sa ulat ng ilang netizens na napadaan sa tulay ilang oras matapos makunan ni Angala ang sitwasyon sa Estrella-Pantaleon bridge, kalauna’y isang lane na lang ang ginamit ng mga bus upang makadaloy ang trapiko.

Ilang netizen din ang nagtawag ng atensyon ng Metropolitan Manila Development Authority para tugunan ang insidente.

Tumabo na ng higit 200,000 views ang naturang video sa pag-uulat.

https://twitter.com/GerryCacanindin/status/1522794107340423168?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1522800213928284160%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es4_&ref_url=https%3A%2F%2Finteraksyon.philstar.com%2Ftrends-spotlights%2F2022%2F05%2F07%2F216688%2Fbuses-mandaluyong-makati-estrella-rockwell-bridge%2F