Sinabi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), noong Biyernes, Mayo 6, na inaasahan nila ang mataas na voter turnout sa May 2022 polls.

“Ako ay very positive at very optimistic kaya ang iniisip ko nyan ay aabot tayo ng 85 percent sa voter surge,” sabi ni PPCRV National Trustee and Director Dr. Arwin Serrano sa Laging Handa public hearing.

Ang PPCRV ay isang accredited citizens arm ng Commission on Elections (Comelec) para sa mga botohan ngayong taon.

Samantala, sinabi ni Serrano na ang Konseho ay patuloy na nakikipagtulungan sa Komisyon upang matiyak ang pagsasagawa ng patas, malinis, at ligtas na halalan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Meron tayong ginagawang pagtulong sa pagdating ng mga vote counting machine at paraphernalia sa ating different voting centers. On election day ay meron tayong voters assistance desk na mag gu-guide sa ating mga botante,” ani Serrano.

Ipinaliwanag din ni Serrano na hindi bababa sa 106,174 voting precincts ang kanilang babantayan sa panahon ng eleksyon. Mayroon ding mga espesyal na presinto ng botohan at humigit-kumulang 37,000 voting centers sa buong bansa, dagdag niya.

Bukod pa rito, bukod sa iba't ibang paglabag kaugnay ng halalan, idinagdag ni Serrano na kanilang babantayan ang publiko sa pagsunod sa minimum public health standards, kabilang ngunit hindi limitado sa pagsusuot ng mask at pag-obserba ng tamang distancing, upang maiwasan ang muling paglitaw ng mga impeksyon.

Charlie Mae F. Abarca