Suspendido ang pasok sa Manila City Government sa Martes, Mayo 10, isang araw matapos ang halalan sa Lunes, Mayo 9.

Nabatid na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Executive Order No. 46, nitong Sabado, na nagdedeklara sa Mayo 10 bilang non-working holiday, kasunod na rin ng kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) Manila Election Unit.

Sa isang liham na ipinadala ng Comelec, hiniling nito na pahintulutan ang mga concerned stakeholders, poll workers at Manila Board of Canvassers na makapagdaos ng vital post-election activities matapos ang halalan.

Kaagad naman itong pinagbigyan ng alkalde.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nilinaw rin naman ni Domagoso na ang mga ahensya ng gobyerno na sangkot sa frontline services, kabilang ang peace and order, public services, traffic enforcement, disaster and risk reduction management, health at sanitation, ay inaasahan pa ring mag-o-operate at maghahatid ng serbisyo sa publiko.