Magkakabisa ang Commission on Elections (Comelec) liquor ban sa Linggo, Mayo 8 hanggang sa araw ng halalan sa Lunes, Mayo 9.

Ito ay alinsunod sa Resolution No. 10746 ng poll body.

Ayon sa resolusyon, na ipinahayag noong Disyembre 16, 2021, sinabi ng poll body na labag sa batas para sa “sinumang tao, kabilang ang mga may-ari at tagapamahala ng mga hotel, resort, restaurant, at iba pang mga establisyimento na may parehong nature na magbenta, magbigay, mag-alok, bumili, maghain, o uminom ng nakalalasing na alak saanman sa Pilipinas.”

Sa ilalim nito, nakasaad na ang liquor ban ay magkakaroon ng bisa at epekto sa araw bago ang halalan (Mayo 8, 2022) at sa araw ng halalan (Mayo 9, 2022).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga hotel, resort, restaurant at iba pang mga establisimiyento na may parehong nature na na-certify ng Department of Tourism bilang tourist-oriented ay maaaring ma-exempt sa pagbabawal sa kondisyon na secure ang isang nakasulat na awtoridad.

Ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Regional Election Directors, Provincial Election Supervisors, Election Officers, at Comelec Election Law Enforcement Tem, ang itatalaga ng Komisyon para ipatupad ang resolusyon.

Dhel Nazario