"Tanggapin ang pera basta't bumoto base sa konsensya." Iyan ang pahayag ng anak ni Senador Kiko Pangilinan na si Kakie Pangilinan tungkol sa umano'y vote buying.

"Tanggapin n'yo talaga ang pera dahil pera n'yo naman 'yun," pagbabahagi ni Kakie sa kaniyang Twitter nitong Sabado, Mayo 7, 2022. 

"Basta bumoto base sa konsensya, puso, at kabutihan ng ating kinabukasan," dagdag pa niya.

https://twitter.com/kakiep83/status/1522637795864772608

Sa hiwalay na tweet aniya, "At alalahanin talaga PERA NG BAYAN 'YUN."

https://twitter.com/kakiep83/status/1522638026631184384

Matatandaan na mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbili o pagbebenta ng boto na naka-ayon sa Omnibus Election Code (OEC).

Noong Oktubre 2021, ibinahagi rin ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang komento tungkol sa vote buying.

"Magiging honest ako sa inyo ah. Noong nag-run ako for congressman, grabe yung bilihan ng boto sa amin. Alam mo mali siya. Mali yung pagbibili ng boto. Pero lagi kong sinasabi sa tao, tanggapin ninyo. Parati kong sinasabi tanggapin ninyo kasi galing din naman yan sa atin. 'Yong pinambili ng boto pera rin yan ng taumbayan. Pero kung tatanggapin mo, ang iboboto mo kung sino ang nasa konsensya mo. 'Wag kang boboto dahil pakiramdam mo may utang na loob kasi tinanggap mo. Tanggapin ang pera pero iboto sa konsensya," ani Robredo.

Matapos ang pahayag na ito, pinaimbestigahan ito ni senatorial aspirant Larry Gadon sa Comelec. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ay wala silang nakikitang criminalliability sa naging pahayag ni Robredo tungkol sa vote buying.

“I think it is not something that should have been said, but in terms of criminal liability, I don’t really see it,” aniya.