Kumakalat ngayon sa social media ang ilang mga video na kung saan makikita na nasa labas ng isa sa mga kapilya ng Iglesia ni Cristo ang mga kakampink o mga taga suporta ni Vice President Leni Robredo.
Ibinahagi ng mamamahayag na si Anthony Taberna nitong Sabado, Mayo 7, ang video na isinend sa kaniya.
Makikita ang mga Kakampink na nasa harap ng kapilya ng INC sa Project 4, Quezon City. Kinakanta nila ang campaign jingle ng Leni-Kiko tandem.
Gayunman, wala pang malinaw na pahayag kung ito ba ay sinadya o napadaan lamang.
Matatandaan na nito lamang Mayo 3 ay opisyal nang inendorso ng religiousgroup na Iglesia ni Cristo ang tandem nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.
Nangyari ang endorsement sa pamamagitan ng Mata ng Agila Primetime News sa INC-owned channel na Net 25.Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/