Nasa 10 insidente ng umano’y vote buying ang iniimbestigahan na ngayon ng Commission on Elections (Comelec).

Nabatid na ang naturang mga kaso ay kabilang sa maraming report at reklamo ng vote buying na natatanggap ng Comelec, sa pamamagitan ng kanilang official email address at Facebook page.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng Comelec na ang kanilang Task Force Kontra Bigay na pinamumunuan ng Commissioner Aimee Ferolino, ang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa naturang mga insidente ng bilihan ng boto.

“Pursuant to its moto proprio powers, the COMELEC, through the Task Force Kontra Bigay, has created a team dedicated to investigate possible vote-buying and vote-selling cases committed during the 2022 National and Local Elections and to file the same even without a citizen complaint,” anang Task Force Kontra Bigay.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“As of today, we have ten (10) active cases and counting as we are continually receiving numerous reports and complaints of vote-buying in our official email address and Facebook page,” dagdag pa nito.

Hinikayat rin naman ng task force ang publiko na huwag lamang magreport ng insidente ng vote buying o vote selling at sa halip ay lumutang at aktibong makilahok sa imbestigasyon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng affidavit at pagsusumite ng mga ebidensiya laban dito.

Maaari rin anilang humingi ang mga ito ng tulong mula sa Philippine National Police (PNP) at assistance desks ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Maaari rin anila itong iulat sa official FB page ng Task Force Kontra Bigay gayundin sa kanilang email address na[email protected].