Nagbabala si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio laban sa posibleng pagkawala ng soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kapag nanalo sa darating na halalan si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Carpio, na kilala sa kanyang pakikipaglaban na igiit ang mga karapatan sa teritoryo ng bansa sa WPS, ay nagbahagi ng kanyang obserbasyon batay sa pahayag ni Marcos Jr., na umano'y pumanig sa China nang sabihin nito na hindi nito kinikilala ang desisyon ng arbitrasyon sa pinag-aagawang karagatan.

Sinabi rin ng dating associate justice na tinutularan ni Marcos Jr. si Pangulong Duterte nang isinantabi niti ang arbitral ruling at tumanggi na ipagtanggol ang soberanya ng bansa.

Sa isang media forum noong Biyernes, binanggit ni Carpio ang isang pahayag Marcos Jr. na nagsasabing, “I will continue President Duterte’s policy on the West Philippine Sea.”

“But it’s even worse,” dagdag niya, “because Marcos Jr. said that that arbitration is no longer arbitration if there is only one party… Marcos Jr. actually adopts the Chinese position that the arbitration has no legal effect because China did not participate in the arbitration.”

“The first thing to do is to get everybody in the area to submit their overlapping claims. We agree to submit this to arbitration. Invite China to join. China will not join. And among ourselves, we have settled already our overlapping claims,” aniya.

“And so we have isolated China. We use the rule of law there—UNCLOS [United Nations Convention on the Law of the Sea],” dagdag ni Carpio.

Sinabi rin niya na ang administrasyong Robredo ay maaaring makipag-ugnayan sa ibang mga bansa na may mga claim sa pinagtatalunang karagatan at anyayahan ang U.S., European Union, Japan at Australia na sumuporta.

“So the world will support us in that convention. So China will be isolated,” aniya.

Naniniwala si Carpio na kayang gawin ito ni Robredo bilang isang babaeng lider.

“Gender will not matter. It’s all in the head, it’s all in the heart,” aniya, “Even if you’re a male, but if you’re a coward [it will do nothing].”

Sinabi ni Carpio na ang mga ordinaryong Pilipino ay maaari ding gumawa ng paraan upang maprotektahan ang pag-angkin ng bansa sa pamamagitan ng hindi pagboto kay Marcos Jr sa darating na halalan.

“The answer is simple, if you want to protect the West Philippine Sea, do not vote for Marcos Jr… vote for VP Leni Robredo. And that power is in your hands in three days time,” aniya.

Joseph Pedrajas