BANGUED, Abra – Sinibak sa puwesto ang 30 tauhan ng Pilar Municipal Police Station kasabay ng pagsasailalim sa buong bayan sa Comelec control, kaugnay sa kontrobersyal na shooting incident noong Marso 29 sa pagitan ng Vice Mayor at mga pulis.

Pinangasiwaan ni Col. Maly Cula, provincial director ng Abra Provincial Police Office, ang turn-over of command and Personnel Ceremony ng Pilar MPS noong Mayo 4 at itinalaga bilang acting police chief si Capt. Daryl Garro ng Regional Mobile Force Battalion-15.

Kasabay din nito ang pagsasailalim ng Pilar sa Comelec control dahil sa security reason habang nalalapit ang Eleksyon 2022.

Ang 30 tauhan ng Pilar MPS, kabilang ang chief of police Capt. Ronaldo Eslabra ay itinalaga muna saPersonnel Holding and Accounting Section (PHAS) ng Abra PPO at nakatakdang itinalaga sa election duties sa ibang munisipyo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang replacement sa mga police personnel ay iniutos ni BGen. Ronald Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, matapos isailalim sa Comelec control ang bayan ng Pilar, kaugnay sa shooting incident noong Marso 29 sa pagitan ng mga pulis at grupo ni Vice MayorJaja Josefina Somera-Disono.

Matatandaan, noong Abril 6, ay nagsampa ng kaukulang kaso ang PROCOR sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 as amended by RA 10364 o’ ang Expanded Trafficking in Person Act laban kina Mayor Mark Roland Somera at sa kapatid nitong si Vice-Mayor Jaja Josefina Somera- Disono,ng Pilar,Abra, kaugnay sa pagsuko ng 12 dating military men na kanilang nagsilbing security aids matapos angstandoff sa compound ng Somera/Disono family.

Kasong paglabag naman sa Artikulo 151 ng Revised Penal Code o’ Serious Disobedience of Lawful Orders of Agent of Person in Authority ang isinampa laban kina Jericho Toreno Bufil, Robert Boreta Toreno, Emmanuel Nicanor Valera at Sandee Boy Bermudo na lulan ng van na bumalewala sa police checkpoint.

Isinampa din ang kasong Multiple Attempted Murder laban kay si Bufil na umano'y nagpaputok ng baril habang tumutugis ang mga police personnel sa kanila.

Kamakailan lamang ay ipinalabas ng National Bureau of Investigation-National Capital Region, ang kanilang imbestigasyon na walang nilabag umano ang grupo ni Disono sa insidente at walang visible police checkpoint na isinagawa,base sa nakuhang footage sa CCTV sa lugar.

Inanunsyo din ng NBI noong Abril 29 ang pagsasampa ng kasong murder, perjury laban sa 12 identified police officers, several unidentified police personnel ng Pilar MPS,RMFB-15,intelligence unit ng Abra PPO at isang election officer,kaugnay sa pagkamatay ng isang bodyguard ni Disono.

Habang sinusulat ang isyug ito ay wala pang ipinalabas na pahayag ang PROCOR kaugnay sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila ni Vice Mayor Disono.