Hindi kinakabahan si Vice President Leni Robredo para sa halalan sa Lunes, Mayo 9 dahil siya na aniya ang naging pinakamasipag na kandidato sa kampanya. Kinilala rin nito ang sakripisyo ng volunteers na nagtaguyod ng tinawag niyang “people’s campaign.”

“Hindi ako kinakabahan kasi ginawa ko naman lahat. Ako na yata yung pinakamasipag. Yung commitment ko naman na talagang tatapusin ko ‘to, gagawin ko ang lahat, ‘yung nangyayari ngayon so much more than the expected part of the campaign,” ani Vice President Leni Robredo sa isang ambush interview, Biyernes.

Ito’y sa kabila ng pagiging consistent number 2 sa pinakahuling bugso ng mga surveys na inilabas. Nananatili ang pamamayagpag sa iba’t ibang survey ng kanyang matinding karibal na si Sen. Bongbong Marcos Jr.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Final survey results ng apat na survey firms para sa pagka-Presidente, tatlong araw bago ang eleksyon/ Balita

Gayunpaman, itinuturing ng bise presidente na “biggest blessing” ang naging krusada niyang people’s campaign.

“Hindi natin inaasahan na hindi na lang ‘to simpleng kampanya, kundi talagang krusada na and I think yun yung biggest blessing,’ ani Robredo.

“So sobrang energized pa, napapagod pero ‘pag kasama mona ‘yung mga tao, parang ‘yung energy ng tao nalilipat sa akin. Kaya kahit puyat, kahit pagod, looking forward pa parati sa mga susunod. Parang nakakalungkot nga na tapos na bukas dahil naging masaya talaga grabe yung kampanya,” dagdag niya.

Nitong Biyernes, nagbalik-tanaw din si Robredo sa mga nagdaang grand rally sa ilang serye ng Instagram posts.

Sa Makati nakatakdang selyuhan ang kampanya ni Robredo kasama si Sen. Kiko Pangilinan ngayong Sabado, May 7.