Suot ang kulay pink na relo at mga salitang naririnig kadalasan sa mga kampanya ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, hinuha ng mga netizens na "lowkey" na iniendorso ng aktor na si Dingdong Dantes si Robredo sa kanyang Mother’s Day video na in-upload sa kanyang mga social media accounts nitong Huwebes, Mayo 5.
Radikal na nagmamahal, angat, tanglaw, at nagtatrabaho kahit kapos ang budget-- mga piling salita na maririnig sa bawat kampanya ni Robredo.
Kabilang sa video message niya ang ilang clips ng kanyang asawa na si Marian Rivera at ang kanyang ina na si Angeline Dantes.
"Kay tapang talaga ng mga Nanay. Handang makipaglaban, makipagsapalaran, ipagpaliban ang sariling kapakanan. Walang hamong sinusukuan. Ibang klaseng magmahal— radikal,” aniya.
Inilarawan din niya bilang "miracle worker" ang mga ina.
"Kapos na budget, napagkakasya. Maraming nagagawa. Lahat ng sakit, tinitiis. Prayoridad niyang umangat ang buhay ng mga mahal niya,” anang Family Feud host.
Saad pa niya, matatag sa pagsubok at inspirasyon ang mga ina sa paggawa ng mabuti: "Matatag sila sa kabila ng pagsubok bukod sa pagiging tanglaw ng ating pamilya. Inspirasyon siya para tayo ay patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti."
“Kaya buong-buo kong itinataya sa pangangalaga niya ang mga pangarap ko para sa aking mga anak, para sa aming pamilya," dagdag pa niya.
Binigyang-pugay ng aktor ang kadakilaan ng mga ina.
"Sana, lahat tayo, ipagdiwang pang lalo ang mga ina, dahil alam nating lahat na totoong dakila sila, Kaya naman mabuhay ang nanay," saad niya.
Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe para sa mga ina,aniya:“Sa inyo po ang aking pagpupugay, ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto.”
Si Robredo ang nag-iisang babae na tumatakbo bilang pangulo ngayong 2022.Kaya hinuha ng mga netizens partikular mga kakampink na lowkey na iniendorse ng aktor ang bise presidente:"Iba din! Ang tindi nito! Salamat sa pag tindig! Kahit di mo pangalanan alam na alam na sa kulay ng relo! Sa mga salitang “radikal” “angat” salamat po."
"Iba talaga d man pwede mg endorse ngawan ng paraan"
"Tell me you are for Leni without telling me you are for Leni.."
"Yung pag banggit ng RADIKAL palang alam na alam na. Hehehe thank you Dingdong sa pagtindig!"
"ung pink watch band when he said “ang aking boto.”"
"I am not a Kapuso but I love Dingdong dahil ilang beses na nyang pinatunayan na siya ay may PANININDIGAN bilang Pilipino. Mabuhay ka"
"Hindi mo kami malilinlang, Dingdong. Ung color ng wristwatch mo d kp nagsasalita alam ko n kung para san ang video! Woohhh!"
"Sabi na eh. D pwedeng hindi. Tagasubaybay ako ng dongyan before pa at alam ko kung gaano kaloyal si dd sa taong pinaniniwalaan nya. Ok na. Parang kayo na lang ang hinihintay ng lahat. Finally."
"Galing. In fair, hindi ko napansin ang pink watch sa simula ng video because I was looking straight to his face and was listening closely until the last part when he flexed it kasabay ng "ang aking boto""
"This is genius! Nahanapan ng loophole yung restrictions! Salamat sa pagtindig!"
"Tagos sa puso lahat ng sinabi mo. Salamat sa pag tindig, dong."
"Thank you Dingdong sa iyong pagbati at pagtindig. Happy Mother's Day din kay Marian and to your Mom. Tunay na walang hihigit pa physically at mentally sa sakripisyo ng isang Ina. Maraming Salamuch sa iyong boto para sa isang Ina."