Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil sa isasagawang kaliwa't kanang miting de avance sa Metro Manila sa huling araw ng kampanya sa Mayo 7.

Sa inilabas na traffic advisory ng MMDA, magkakaroon ng isang political rally sa ilalim ng BBM-Sara Uniteam na gaganapin sa Diokno Boulevard panulukan ng Aseana Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City sa Sabado, Mayo 7 sa ganap na ala-1:00 ng hapon.

Sarado sa trapiko ang bahagi ng Diokno Blvd., magmula sa Bradco hanggang Asean Avenue hanggang 11:30 ng gabi ng Mayo 7 upang bigyang-daan ang aktibidad.

Isang linya o lane ng parking ang papayagan sa Mayo 7 magmula alas-8:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi sa mga kalsada sa Roxas Blvd., Macapagal Blvd., Diokno Blvd, Seaside Drive, at Marina Avenue.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Samantala, unang ipinabatid ng Makati City Government ang pagsasagawa naman ng Makatizens United (Team United) miting de avance kaya isinara ang Lawton Avenue nitong May 5 ng alas-4:00 ng madaling araw hanggang Mayo 7.

Ang mga sasakyan buhat sa East Rembo at West Rembo patungong BGC westbound at sa J.P. Rizal Ave. Extension papuntang BGC ay inaabisuhang dumaan sa kaliwa ng Sgt. Fabian Yabut Street sa Guadalupe Nuevo patungong Kalayaan Avenue,mag-U-turn sa kanto ng EDSA/ Kalayaan Ave. bago kumanan sa 32nd Street patungong BGC proper.

Ang mga motoristang galing ng East Rembo at West Rembo papuntang Makati City Hall area/Delpan Street westbound ay ipinaiiral ang stop-and-go traffic scheme sa J.P. Rizal Avenue extension.

Asahan ang mga antala ng trapiko sa kalsada magmula Buting sa Pasig City hanggang Lawton Avenue. Habang ang mga public utility jeepneys (PUJ) buhat sa Pateros papuntang Guadalupe Nuevo via J.P. Rizal Avenue extension, inaabisuhan ang mga motorista na kumaliwa sa Kalayaan Avenue/ Buting intersection bago kumanan sa Sgt. Fabian Yabut Circle Street para sa laging ruta patungong Guadalupe Mall.

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/05/06/number-coding-scheme-suspendido-sa-mayo-9/