Ang UniTeam senatorial candidate at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary na si Mark A. Villar ay patuloy na nangunguna para sa senador sa pinakabagong resulta ng survey mula sa RP-Mission and Development Foundation (RPMD) para sa darating na halalan sa Mayo 2022. Siya ay nakakuha ng 74.6% na voter preference.

Sa survey ng RPMD na isinagawa mula Abril 28 hanggang Mayo 2, ipinakita na si Villar ay kabilang sa top choice ng 10,000 respondents gamit ang face-to-face interviews sa buong bansa. Mayroon itong (+/-) 1% sampling error margin para sa pambansang porsyento.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ang mga labing-isang kandidato na sumunod sa likod ni dating DPWH Chief Mark Villar (74.6%) ay sina Antique Representative Loren Legarda (68.1%), broadcaster na si Raffy Tulfo (64.7%), Sen. Win Gatchalian (60.2%), Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri (53.6%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (51.8%).

Samantala ang ika-7 hanggang ika-12 na puwesto ay sina dating House Speaker Alan Cayetano (47.3%), Filipino film actor Robin Padilla (45.1%), dating Senador JV Estrada Ejercito (38.6%), dating Senador Jinggoy Estrada (36.5%), dating Bise Presidente na si Jejomar "Jojo" Binay (34.2%) at si Senador Gringo Honasan (32.7%).

Samantala, hindi naman lumalayo ay sina dating Defense Secretary Gilbert Teodoro (32.5%), Senador Risa Hontiveros (30.4%), Senador Joel Villanueva (28.1%), dating alkalde ng Quezon City Herbert Bautista (25.7%), Senador Dick Gordon (22.6%), Senador Antonio Trillanes (19.3%), dating Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque (19.1%), dating Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar (18.5%), Senador Leila De Lima (17.2%), Astravel “Astra” Pimentel-Naik (15.4%), Atty. Chel Diokno (13.6%), si Atty. Lorenzo 'Larry' Gadon (12.5%) at ang Kongresista na si Rodante Marcoleta (10.1%).