Hayagan na ang pagsuporta ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Christian Gaza, o mas kilala bilang Xian Gaza, sa kandidatura ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.
Saad niya sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 6, kahit sinuman ang manalong pangulo ay hindi ito makakaapekto sa kaniyang buhay dahil mananatili pa rin siyang negosyante.
"Kahit sinuman ang manalong pangulo, it doesn't matter to me. Wa'epek ito sa aking buhay. I'm an overseas Filipino businessman domiciled in United Arab Emirates and in the Kingdom of Thailand," ayon kay Gaza.
"Kahit si Sen. Bongbong Marcos ang maging pangulo, mananatili akong milyonaryong negosyante livin' the good life sa iba't-ibang bahagi ng mundo. I will gain nothing from VP Leni's win. Tumitindig ako not for my personal interest unlike ng Iglesia Ni Cristo," dagdag pa niya.
Ang kaniyang pagtindig ay para umano sa mga Pilipinong nasa laylayan at ang laban raw na ito ay para sa bayan at walang pinipiling political color.
"Ang pagtindig kong ito ay para sa mga Pilipino na nasa laylayan ng lipunan na ang buhay at kinabukasan ay heavily dependent sa performance ng ating gobyerno, kasama na dito ang milyung-milyong BBM supporters dahil ang laban na ito ay para sa bayan at walang pinipiling political color," ayon sa self-proclaimed Pambansang Marites.
"Binabawi ko na yung sinabi ko 3 months ago. Hindi na sure win ngayon si BBM. Malaki na ang chance ni Leni Robredo. Mga kababayan, may pag-asa na tayong manalo," saad pa niya.
Ipinagmalaki rin ni Gaza na kahit hindi man manalo si Robredo ay nagawa niyang tumindig sa tama sa kabila ng kaniyang mga nagawang pagkakamali sa buhay.
"Kung sakali man na hindi siya palarin ngayong Mayo, at least kaya kong ipagmalaki sa lahat at sa aking mga anak na sa kabila ng mga nagawa kong pagkakamali sa buhay, once upon a time, si Xian Gaza ay tumindig para sa tama and that is something that I will never regret for the rest of my life.
"May God bless our beloved nation. Mabuhay ang Pilipinas!"
Kilala ang social media personality na si Xian Gaza dahil sa kaniyang mga ispluk na "chika" para sa kaniyang mga umano'y kapwa "Marites."