Bagaman walang nakitang dahilan ang sariling pamilya sa pagpapatiwakal ng 23-anyos na lalaki at masugid na tagasuporta ni Bongbong Marcos Jr sa Antique, para sa malapit na kaibigan, hindi raw nito nakayanan ang mainit na sagutan sa social media sangkot ang isang netizen.

Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagpapatiwakal ng nakilalang student leader, at masugid na tagasuporta ni Marcos Jr.

Sa ulat ng Radyo Bandera Antique nitong Biyernes, namataang wala nang buhay ng kanyang pamilya ang isang lalaki matapos kitilin nito ang sariling buhay sa Brgy. San Jose, Antique, pasado alas-singko ng umaga, Biyernes.

Ayon pa sa ulat, isang tawag ang tanggap ng lokal na pulisya kaugnay ng insidente na kinasangkutan ng isang nakilalang student leader sa University of Antique.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bagaman walang ideya ang sariling kamag-anak sa dahilan ng trahedya at napiling pasya ng kanilang mahal sa buhay, isang nagpakilalang kaibigan ang tumawag ng pansin ngayon sa social media.

Para kay Ray Magtiza Espine, ang kaibigang si Fredrick Mark Bico Alba, 23, ay biktima ng cyberbullying.

Dagdag niya, ang naging mainit na sagutan ng kaniyang kaibigan sangkot ng isang Kakampink o tagasuporta ni Vice President Robredo ang dahilan ng naging pagpapatiwakal nito.

Sa isang Facebook post, ilang serye ng larawan ng palitan ng pananaw ng kanyang kaibigan at ng umano’y Kakampink ang ibinalandra nito sa kanyang Facebook post, Biyernes.

Makikita rin sa isa pang paskil ang umano’y pag-inda ni Fredrick sa personal na pag-atake ng nasabing Kakampink dahilan para mauwi sa masakit na pasya ang binata.

Mababakas din ang mga huling saloobin ni Fredrick sa hiwalay na Facebook posts na tila dinedepensahan ang kanyang pasya na iboto ang UniTeam kung saan senatoriable si Sen. Loren Legarda.

Wala pang pahayag ang sangkot na indibidwal sa ukol sa insidente.

Sa imbestigasyon ng San Jose Municipal Police Station, walang ring posibilidad ng foul play ang mababakas sa insidente.