Umalma ang Commission on Elections (Comelec) tungkol sa isyung papalitan umano ang mga electoral board members saBangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa darating na eleksyon sa Mayo 9.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi Commissioner George Garcia na hindi papayagan ng Comelec na mapalitan ang mga electoral board members dahil lahat ng mga ito ay dumaan sa mga pagsasanay.

"Syempre po, hindi namin po papayagan sapagkat napakaimportante ‘yon pong mga guro na atin pong naitalaga na bilang mga electoral board sa buong Pilipinas 'yan po ay na-train," saad ni Garcia.

Matatandaan na kahapon ay nanawagan sa Comelec ang mga guro sa Cotabato City dahil tinanggal umano sila sa listahan bilang mga electoral board members.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inirereklamo pa nila na hindi umano dumaan sa pagsasanay ang ipinalit sa kanila.

Samantala, ayon sa ulat ng DXMS Radyo Bida Cotabato City ay umalma rin si Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi sa umano'y pagtatanggal ng pangalan ng mga guro sa lungsod.

"Nagsalita 'yong mga guro dahil ang sabi nila 'yang ipapalit ninyo sa amin na mga Islamic teachers walang training 'yan. Hindi 'yan naisyuhan ng DOST certificate na nagpapatunay na qualified sila maging member," aniya.