Nagsagawa ang Las Piñas City government ng programang libreng tuli para sa 100 na kabataan sa lungsod noong Huwebes, Mayo 5.

Ang taunang Operation Tuli ay pinangasiwaan ni Dr. Julio Javier, Officer-in-Charge ng Las Piñas Lying-In na ginanap sa Barangay Pilar.

Layunin ng nasabing programa na iangat ang kamalayan ng ating kababayan ukol sa pangkalusugan at mabawasan ang mga banta ng urinary tract infections, STDs at penile cancer sa pamamagitan ng pagtutuli at tulungan ang mga magulang na hindi kayang magbayad sa doktor para sa tuli ng kanilang mga anak.

Bahagi pa rin ito sa patuloy na pagpaprayoridad ng Las Piñas LGU sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat Las Piñeros.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill