Inendorso ng religious group na 'Iglesia ni Cristo' si Kapamilya actor at tumatakbong kongresista sa unang distrito ng Quezon City na si Arjo Atayde.
Masayang ipinaabot ni Arjo ang kaniyang pasasalamat sa pamunuan ng INC.
“I thank INC from the bottom of my heart for trusting and supporting my dream to serve my kababayans in QCD1,” na laging numero uno sa survey sa district 1 ng QC.
“We only have a few days left before the elections, and I am encouraging everyone to vote wisely. The future is in our hands, and may the Lord bless the upcoming elections. It is my prayer to have a peaceful and honest elections, and may the most deserving leaders be elected to lead us for the betterment of our lives.”
Kasama si Arjo sa #TeamAksyonAgad sa ilalim ng kumakandidato at kasalukuyang mayor ng QC na si Mayor Joy Belmonte.
Buo ang suporta ng kaniyang pamilya at mga kaibigan sa showbiz sa pagtakbong ito ni Arjo. Makikitang nag-perform sa sortie niya sina Ynez Veneracion, Eric Nicolas, KD Estrada, at Bayani Agbayani.
Ginamit ni Arjo ang tagline ng ABS-CBN noong Pasko, ang 'Andito Tayo Para sa Isa't isa'.
Inamin ng kaniyang inang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na noong una ay nag-agam-agam siya sa desisyon ng anak, subalit nakita niya ang sinseridad nitong makatulong sa mga kababayan, kaya sa huli ay sinuportahan niya ito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/28/sylvia-sa-kampanya-ni-arjo-old-school-yung-pangangampanya-na-siraan-mo-yung-kalaban-mo/">https://balita.net.ph/2022/02/28/sylvia-sa-kampanya-ni-arjo-old-school-yung-pangangampanya-na-siraan-mo-yung-kalaban-mo/
Kaya matindi ang pasasalamat ni Arjo sa kaniyang inang si Sylvia sa all-out support nito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/30/arjo-atayde-sa-suporta-ng-ina-sa-kanyang-pagsabak-sa-politika-i-truly-appreciate-your-time-love/">https://balita.net.ph/2022/03/30/arjo-atayde-sa-suporta-ng-ina-sa-kanyang-pagsabak-sa-politika-i-truly-appreciate-your-time-love/
Bitbit ni Arjo bilang plataporma ang pagbibigay-tuon sa sektor ng edukasyon, trabaho, healthcare, karapatan ng kababaihan, kabataan, at LGBTQ+ community.
Samantala, bukod kay Arjo ay opisyal nang inihayag ng INC noong Martes, Marso 3, na ang susuportahan nila sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo ay sina dating Senador Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, gayundin ang ilan sa mga kasamahan nilang kandidato sa pagkasenador sa UniTeam.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/">https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/
Ang mga inendorso nila sa pagkasenador mula sa UniTeam ay sina dating Senador Jinggoy Estrada, re-electionist Senador Sherwin Gatchalian, Antique Rep. Loren Legarda, dating DPWH Secretary Mark Villar, at re-electionist Senador Juan Miguel Zubiri.
Ang iba pang senador na inendorso ng INC ay sina dating Bise Presidente Jejomar Binay, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, retired PNP Chief Guillermo Eleazar, dating Senador JV Ejercito, Sorsogon Gov. Francis Escudero, aktor Robin Padilla, at re-electionist Senador Joel Villanueva.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/5-kandidato-sa-senatorial-slate-ng-uniteam-pasok-sa-listahan-ng-inc/">https://balita.net.ph/2022/05/03/5-kandidato-sa-senatorial-slate-ng-uniteam-pasok-sa-listahan-ng-inc/
Sa tuwing may pambansang halalan, inaabangan ang i-eendorso ng naturang religious group.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/04/bakit-nga-ba-hinihingi-ng-mga-kandidato-ang-endorsement-ng-inc/">https://balita.net.ph/2022/05/04/bakit-nga-ba-hinihingi-ng-mga-kandidato-ang-endorsement-ng-inc/
Malaki umano ang impluwensya ng INC pagdating sa larangan ng politika hindi dahil sila ang pinakamarami o pinakamalaki kung hindi dahil kilala sila sa kanilang “bloc-voting” na kung saan inaasahan na iboboto ng mga miyembro nito ang kanilang mga inendorsong kandidato.