Ibinida ng dating 'Pinoy Big Brother' housemate at miyembro ng GirlTrendz na si Dawn Chang na siya ang gaganap bilang Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, para sa mothers' day special ng 'Maalaala Mo Kaya' o MMK.

"Ready na ba kayo umiyak tawa sa @MMKOfficial mother’s day special episode? #MadamInutz #MMK," sey ni Dawn sa kaniyang tweet ngayong Mayo 5, kalakip ang teaser ng naturang MMK episode.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

https://twitter.com/thedawnchang/status/1522097765735567360

Gaganap na nanay ni Madam Inutz ang batikang aktres na si Susan Africa. Kasama rin dito ang aktor at dating PBB housemate din na si Gino Roque.

Maging si Madam Inutz ay todo-promote na rin sa kaniyang social media accounts.

"MGA KAINUTZZZ ABANGAN NGAYONG SABADO ANG LIFE STORY NG MADAM INUTZ NYO!!! SAMAHAN NYO KONG UMIYAK AT TUMAWA..AT KUNG PAANO LUMABAN SA HAMON NG BUHAY… OHHH JIIIVAAAAA!!! NA MMK NA NGA!! sey ni Madam Inutz.

Sumikat si Madam Inutz lalo na noong kasagsagan ng lockdown dahil sa palamura at kakaiba niyang online selling, para daw may pang-chicha siya at pambertdey sa kaniyang nanay, na bedridden na dahil sa stroke.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/12/madaminutz-online-seller-na-walang-miners-pero-hakot-sa-viewers/">https://balita.net.ph/2021/08/12/madaminutz-online-seller-na-walang-miners-pero-hakot-sa-viewers/

Bukod sa pagsayaw sa harapan ng kaniyang mga prospective buyers, ang kinaaliw ng netizens ay ang pagtawag niya ng 'inutil' sa mga nakatambay o nanonood sa kaniyang live online selling, na umaabot ng 50k pataas; at ni isa sa kanila ay wala man lamang miners o interesadong bilhin ang kaniyang paninda.

"Hoy mga inutil! Mga put* ninyo, 4.81 viewers, wala akong nakikitang nagma-mine!!! Kailangan ko pang-chicha! Mga wala kayong kuwenta, puro tambay lang walang miners?" Mga put* ninyo!" banat niya lagi sa mga viewers niya.

Hanggang sa dumami nang dumami ang viewers niya at mapansin na rin ng mainstream media. Ginaya pa nga siya ni Kapuso comedienne Pokwang.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/22/pokwang-ginaya-si-madam-inutz-ito-ang-nagagawa-ng-lockdown/">https://balita.net.ph/2021/08/22/pokwang-ginaya-si-madam-inutz-ito-ang-nagagawa-ng-lockdown/

Sa kabila ng 'bastos' at 'palamurang' bibig, isang mapagmahal na puso naman ang nakita ng mga tao sa kaniya pagdating sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang mga anak at ina.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/02/madam-inutz-ipinakita-ang-labis-na-pagmamahal-sa-inang-may-stroke/">https://balita.net.ph/2021/09/02/madam-inutz-ipinakita-ang-labis-na-pagmamahal-sa-inang-may-stroke/

Hanggang sa pasukin na nga niya ang mundo ng showbiz at mapunta sa pangangalaga ni Wilbert Tolentino na siya ring may hawak ngayon kay Herlene Budol. Naging celebrity housemate siya sa 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10' at pagkalabas ng Bahay ni Kuya, ay napabilang naman sa cast members ng 'My Papa PI', sweetcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/08/next-level-na-mga-inutil-ano-nang-ganap-ni-madam-inutz-matapos-ang-pbb/">https://balita.net.ph/2022/01/08/next-level-na-mga-inutil-ano-nang-ganap-ni-madam-inutz-matapos-ang-pbb/