Nananawagan ngayon sa Commission on Elections (Comelec)-BARMM ang ilang mga guro sa Cotabato City dahil tinanggal umano sa listahan ang kanilang pangalan bilang mga electoral board-- apat na araw bago ang halalan sa Mayo 9, 2022.

Inirereklamo pa ng ilang mga guro na hindi umano dumaan sa pagsasanay bilang electoral board ang ipinalit sa kanila.

Sa ulat ng DXMS Radyo Bida ng Cotabato City, ayon sa mga guro ay palaisipan sa kanila kung sino ang nag-utos na tanggalin at palitan sila lalo't apat na araw na lamang bago ang halalan.

Sinabi rin ng mga guro na "total revamp" ang ginawa sa kanila.
Habang isinusulat ang Balitang ito, wala pang pahayag ang COMELEC-BARMM sa naturang insidente.