Kamakailan ay usap-usapan sa social media ang pagganap ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas bilang ‘Hon. Ligaya Delmonte’ sa parody campaign video upang ikampanya si Mike Defensor, kandidato sa pagka-mayor ng Quezon City. Gayunman, tila hindi ito nagustuhan ng showbiz columnist na si Lolit Solis.

Basahin: https:/">https://balita.net.ph/2022/05/02/mayora-for-mike-defensor-ai-ai-delas-alas-gumanap-bilang-hon-ligaya-delmonte" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/02/mayora-for-mike-defensor-ai-ai-delas-alas-gumanap-bilang-hon-ligaya-delmonte

Sa isang Instagram post noong Mayo 2, pinatutsadahan ni Lolit si Ai Ai.

"Naloka ako sa gimmick ni Ai Ai de las Alas, Salve. Trabaho lang iyon mag-endorse ng kandidato, ok lang kung sino kumuha at nagbayad sa iyo, pero choice mo parin kung ano ang mga dapat mong gawin o sabihin," saad nito.

Tila pinangaralan ng showbiz columnist ang aktres na maging "polite" ito sa mga ginagawa nito.

"Ok, magkalaban, siyempre kanya kanyang labas ng gimmick at salita, pero dapat naman siguro maging polite ka parin sa mga gagawin mo, maliban na lang kung gusto mo talaga isara lahat ng pinto, at never na kayong magiging magkaibigan ulit after the election," aniya.

Sinabi rin ni Lolit na iwasan ni Ai Ai na gumamit ng ibang tao para lang maging katawa-tawa.

"Komedyante si Ai Ai de las Alas, kung gusto niya gawin katatawanan ang sarili niya, why not, pero sana iwasan niya na gumamit ng ibang tao para lang maging katawa tawa. Pathetic ang dating, forcing thru, hard sell, gutter comedy, iyan ang masasabi ko sa ginagawa niyang kagagahan tungkol kay Mayor Joy Belmonte," tirada nito.

"Kung suportado niya ang kalaban ni Mayor Joy, OK lang, no big deal. Pero sana walang bastusan, sana igalang niya parin ang office na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.

"Matuto ka sana AiAi kung saan dapat huwag lalagpas, baka ang ending hindi mo makayang dalhin. Gamitin ang utak para hindi magkamali, hindi magsisi. Piece of advice Ai Ai, dahan dahan lang, baka nadapa," paglalahad pa ni Lolit.

Si reelectionist Quezon City Mayor Joy Belmonte ang sinusuportahan umano ni Lolit base na rin sa kanyang mga Instagram post tungkol sa alkalde.

Samantala, hindi lang si Lolit Solis ang hindi nagustuhan ang campaign video ni Ai Ai kung hindi maging ang dating manunulat ng ABS-CBN at nominee ng Kapamilya party-list na si award-winning writer Jerry Gracio.

Hindi man lamang daw ikinonsidera ni Ai Ai na si Mike Defensor ang isa sa mga ‘berdugo’ ng prangkisa ng ABS-CBN, na naibasura sa Kamara noong 2020. Bago lumipat sa GMA Network at nagtrabaho nang matagal si Ai Ai sa naturang network. 

“Di man lang naisip ni Ai-Ai na si Defensor ang isa sa mga berdugo ng mga manggagawa ng ABS-CBN na naging dahilan kung bakit nawalan ng trabaho ang mga kasama niya sa industriya, sa estasyon na pinanggalingan niya. Nakakasuka siya,” ani Gracio.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/04/jerry-gracio-sa-parody-campaign-video-ni-ai-ai-delas-alas-nakakasuka-siya/