Si Andrea Brillantes ang ‘for today’s video’ ng showbiz columnist na si Lolit Solis matapos punahin ang mga ‘gimmick’ daw ng Kapamilya actress pagdating sa pormahan, pag-aayos sa sarili, at mga ‘gimmick’ nito.
"Hanga ako sa confidence ni Andrea Brillantes sa sarili niya, Salve. Talagang over the top mga gimmick niya, make-up, outfit, salita, basta maloka ka na feeling in na in ang dating niya. Siguro nga meron tapang dahil bata pa, kaya keber ang kilos at salita niya," saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Mayo 5, 2022.
Sa kabilang banda, tila nawiwindang si Manay Lolit sa mga ikinikilos ni Blythe ngayon, at baka dumating daw ang araw na 'malaos' kaagad ang ningning nito.
Kaya payo niya, sana raw ay konting preno muna si Andrea sa mga pinaggagawa niya ngayon, dahan-dahan daw sana.
"Pero masyado siyang maaga gumimik ng ganuon, sandali lang attention span ngayon, baka after a year lang laos na ang gimmick niya. Sana she acted and just be herself muna dahil bata pa siya, dahan dahan ang ginawa niya, hindi biglaan. Ngayon iyon mga gimmick niya patok, pero hanggang kelan tatagal?"
Sa bandang huli, hangad daw ni Lolit na sana raw ay makatulong nga sa showbiz career ni Andrea ang mga ganap niya sa buhay ngayon.
Isang certified Kakampink si Andrea at aktibo sa pangangampanya para sa Leni-Kiko tandem. Bago iyon, naging hot topic siya sa mga showbiz ganap dahil sa naging gap sa pagitan nila nina Francine Diaz, Seth Fedelin, Ogie Diaz, at ang proposal sa kaniyang maging nobya ng basketball star na si Ricci Rivero, na ngayon nga ay jowa na niya.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan na naman ang magjowa dahil sa pangungumbinsi ni Blythe na ma-convert sa pagiging Kakampink si Ricci.
Inulan pa ng intriga ang pagpuso umano ni Ricci sa TikTok video ng isang bebot, bagay na hindi naman pinansin ng dalawa.
Kaya sana raw, maging 'brilliant' talaga si Andrea, sey ni Lolit.
"Baka magsawa agad gaya ng mga big ribbons niya, tanggalin agad , hah hah hah. OK din siya mag-isip ng gimmick, bongga, sana makatulong sa career niya. Maging brilliant sana ang Andrea Brillantes."
Hindi ito ang unang beses na nagbigay ng komento si Lolit pagdating kay Andrea. Sa nauna niyang Instagram post noong Abril 28, sana raw ay mapayuhan ng kanilang management sina Andrea at ang Kapuso teen actress na si Jillian Ward na maghinay-hinay muna, lalo na sa aspeto ng pag-aayos sa sarili.
"Sana advice ng management nila Jillian Ward at Andrea Brillantes na huwag muna sila mag full make up, Salve. Mga bata pa sila at hindi dapat magmadali. Shock ako sa mga photos ni Andrea Brillantes na meron pa siyang false eyelashes, may nail arts, at makapal na make up."
"Maganda para sa kanila ni Jillian Ward na natural lang, dahil bata pa sila at huwag magmadali na maging mature. Mas nakaka awkward na makita sila na parang nagmadali mag-mature. Mahusay at talented sila Andrea at Jillian. Maganda sila at talagang puwede pumalit sa mga naunang stars na sumikat at nag-mature na ngayon."
"Future Marian Rivera at Jodi Sta Maria ang dating nila, kaya hindi dapat madaliin ang pag-mature nila. Hinay-hinay lang, wait sa proper time. Darating din ang tamang panahon. Wait muna."