Dinepensahan ng premyado at beteranang aktres na si Jaclyn Jose ang desisyon ng 'Iglesia ni Cristo' o INC na i-endorso sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo sina dating Senador Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ng UniTeam, gayundin ang ilan sa mga kandidato sa pagkasenador na kabilang sa naturang partido.

Naganap ang pag-endorso noong Martes ng gabi, Mayo 3, na natunghayan sa news program na 'Mata ng Agila Primetime News' sa INC-owned channel na Net 25.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/">https://balita.net.ph/2022/05/03/iglesia-ni-cristo-inendorso-ang-bbm-sara-tandem/

Kaagad na naging trending ito sa online world at marami umano sa mga miyembro ng INC ang mananatiling tagasuporta ng Leni-Kiko tandem, kaya umusbong ang hashtag na #kakampINC.

Kaya naman, agad na ipinagtanggol ni Jaclyn ang naging desisyon ng pamunuan. Bukod sa maka-BBM-Sara ang aktres, isa siyang miyembro ng INC.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/24/jaclyn-jose-maka-bbm-sara-not-nostradamus-or-anyone-can-dictate-our-future-president/">https://balita.net.ph/2022/03/24/jaclyn-jose-maka-bbm-sara-not-nostradamus-or-anyone-can-dictate-our-future-president/

"I just want (to) defend our vote, watching a channel na parang di na maganda sinasabi sa INC. Na para bang nasa 10 commandments na at foul na talaga. Pasensiya na po… nasasaktan lang… ganun po talaga kami… sobra na po… sana wala namang sakitan ng Religion…" pakiusap ni Jaclyn sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 4.

"Wala ako sa posisyong magsalita, may mga leader po kami na makakapagpaliwanag… ganun po talaga kami mga miyembro nagkakaisa… wala na po kayo magagawa. Ang respeto namin ay nasa aming pagkakaisa bilang Iglesia… sorry po… may malalim po kami pag-uunawa ukol sa mga bagay na ito… salamat po."

Sa comment section ay nagpatuloy pa si Jaclyn. Hindi niya binanggit kung anong channel ang tinutukoy niya na tila masama ang balita tungkol sa kinaaanibang religious group.

"Nagsasalita po bilang Iglesia ni Cristo member… 'wag masamain, iba po ang utang ko at pasasalamat bilang artista… salamat po… God Bless Us All… safe halalan kung sino manalo respeto po ang aasahan n'yo sa akin."

Sa halip daw na batikusin ang INC ay subukin daw umanong makinig at dumalo ng mga tao sa kanilang pagsamba.

Bukod sa BBM-Sara, pinangalanan na rin ng INC kung sino-sino sa mga senador ang kanilang inendorso.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/5-kandidato-sa-senatorial-slate-ng-uniteam-pasok-sa-listahan-ng-inc/">https://balita.net.ph/2022/05/03/5-kandidato-sa-senatorial-slate-ng-uniteam-pasok-sa-listahan-ng-inc/

Inendorso rin nila ang Kapamilya actor at tumatakbo sa pagka-kongresista ng District 1 sa Quezon City na si Arjo Atayde.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/05/tumatakbong-kongresista-na-si-arjo-atayde-inendorso-ng-inc/">https://balita.net.ph/2022/05/05/tumatakbong-kongresista-na-si-arjo-atayde-inendorso-ng-inc/